^

Metro

’Di 20 kundi 276 ang nakapasa sa PESE exam

-
Nilinaw kahapon ng Philippine National Police (PNP) na 276 police colonel o superintendent ang nakapasa sa nakaraang Police Executive Service Eligibility (PESE) examination na pinamahalaan ng National Police Commission (NAPOLCOM) at hindi 20 gaya nang naiulat.

Ayon sa pamunuan ng PNP, walang katotohanan na 20 lamang ang nakapasa sa kabuuang 410 police colonel na kumuha ng PESE noong nakalipas na Hulyo 2, 2006 sa Assumption College, San Lorenzo Village sa Makati City, kundi 276 na mahigit sa kalahati ang nakapasa.

Nag-react din ang PNP sa ulat na mahina sa grammar, logic at mga immoral ang ilang police colonel na kumuha sa pagsusulit.

Maaaring may ilan umanong opisyal ng pulisya ang nasangkot sa ilang katiwalian subalit ito ay iilan lamang na indibiduwal kaya nga may mga programa ang PNP para baguhin ang negatibong imahe ng pambansang pulisya nang sa gayon ay mapabuti ang serbisyo ng mga ito sa publiko.

Tiniyak din ng PNP, na mas malaki ang porsiyento ng mga matitinong pulis kaysa sa mga scalawags. (Lordeth Bonilla)

ASSUMPTION COLLEGE

AYON

HULYO

LORDETH BONILLA

MAAARING

MAKATI CITY

NATIONAL POLICE COMMISSION

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

POLICE EXECUTIVE SERVICE ELIGIBILITY

SAN LORENZO VILLAGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with