^

Metro

Illegal diggings sa PSBA negatibo

-
Walang nakitang hukay ang mga tauhan ng Quezon City hall sa compound ng Philippine School of Business Administration (PSBA) na matatagpuan sa kahabaan ng Aurora Boulevard sa Quezon City.

Ito ang inihayag kahapon ni Quezon City Mayor Feliciano "SB" Belmonte Jr. sa isinagawang press conference kahapon.

Binanggit pa ng mayor na napatunayang negatibo ang napapaulat na illegal diggings/excavations sa PSBA na sinasabing may Yamashita treasure.

Binanggit pa nito na nagsagawa ang kanyang tanggapan ng imbestigasyon noong Mayo 5, 2005 at follow-up investigation noong Hunyo 6, at napatunayang negatibo sa anumang illegal diggings o paghuhukay dahil umano sa treasure hunting ang loob ng paaralan.

Ayon pa kay Mayor Belmonte na siya mismo ang nag-utos sa kanyang mga tauhan na imbestigahan ang usaping ito dahil nakasalalay dito ang kapakanan ng libu-libong mag-aaral at mga residenteng sakop at nasa paligid ng naturang paaralan.

"Yung sinasabi ko dito ay base sa report ng aking mga tauhan. Wala talaga kaming nakitang illegal digging, hindi naman nakipag-coordinate si Councilor de Guzman sa akin tungkol dyan," dagdag pa ni SB.

Nauna rito, nagbanta si Councilor Dante de Guzman, chairman ng Blue Ribbon Committee na bumubusisi sa usapin na kanya umanong ipapasara ang PSBA dahil may malaking epekto ang umano’y nagaganap na paghuhukay na ginawa ng pamunuan ng paaralan sa compound nito na sinasabing may mina ng ginto. (Angie dela Cruz)

AURORA BOULEVARD

BELMONTE JR.

BINANGGIT

BLUE RIBBON COMMITTEE

COUNCILOR DANTE

GUZMAN

MAYOR BELMONTE

PHILIPPINE SCHOOL OF BUSINESS ADMINISTRATION

QUEZON CITY

QUEZON CITY MAYOR FELICIANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with