^

Metro

Brgy. officials target sa operasyon ng MMDA

-
Pupuntiryahin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Department of Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) ang mga barangay officials na nagbibigay proteksyon sa mga ilegal na gawain sa Metro Manila.

Target ng MMDA na buksan ang lahat ng tertiary at secondary roads sa motorista partikular na ang ilang bahagi na tuluyang isinara ng ilang barangay chairman para bigyang daan ang kagustuhan ng kanilang mga constituents.

Nabatid na protektado ng ilang barangay captain ang pagsasara o pagharang sa kalsada ng lubid para hindi madaanan ng pedestrian at sasakyan at hindi maistorbo ang kanilang negosyo katulad ng illegal terminals at pagtitinda ng illegal vendors na may parating sa kinauukulan.

Susuporta ang PNP sa MMDA sa pamamagitan ng paghuli sa mga lumalabag sa batas. Gayundin,ang DILG ang kakastigo at sisibak sa mga kapitan ng barangay na maaaktuhan at mapapatunayan na kasangkot sa mga ilegal na gawain sa kanyang nasasakupan.

Nabatid na matagal nang inirereklamo ng MMDA ang mga tiwaling barangay officials dahil sa pagkunsinti sa mga katiwalian sa kanilang nasasakupan. (Lordeth Bonilla)

GAYUNDIN

LORDETH BONILLA

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NABATID

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PUPUNTIRYAHIN

SUSUPORTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with