^

Metro

Mukha ng anak pinaso ng ama

- Rose Tamayo-Tesoro -
Nalapnos ang mukha ng isang 6-anyos na paslit makaraang pagpapasuin ito ng kaldero ng kanyang sariling ama, kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si John Manibag, ng 135 Lerna St., Maypajo, ng nasabing lugar na nagtamo ng matinding paso sa magkabilang pisngi.

Kasalukuyan namang pinaghahanap ang malupit na ama na si Dioscoro Manibag, 29, walang trabaho, na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Base sa ulat ni PO1 Marissa Santos ng Women’s and Children Concerned Desk (WCCD) ng Caloocan City Police, dakong alas-5 kamakalawa ng hapon nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng mag-ama sa nabanggit na lugar.

Nabatid na lasing sa alak nang dumating ang suspect at nadatnan nito ang kanyang anak na naglalarong mag-isa at sa hindi malamang kadahilanan ay kinuha ng una ang nakasalang na kaldero ng sinaing at idinuldol sa mukha ng anak.

Dahil dito parang kamatis na namintog ang magkabilang pisngi ng bata at sa sobrang sakit na naramdaman ay halos himatayin ito.

Kaagad na isinugod ang bata sa Pres. Diosdado Medical Center at pagkatapos ay agad na nagsumbong ang ina nito sa pulisya.

Bunsod nito, ipinaubaya muna ng kanyang inang si Manilyn sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kanyang anak na si John sa pangambang baka hindi lang ito ang gawin ng kanyang mister sa kanilang anak.

Isang manhunt operation ang inilunsad ng pulisya laban sa malupit na ama.

BUNSOD

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

CHILDREN CONCERNED DESK

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

DIOSCORO MANIBAG

DIOSDADO MEDICAL CENTER

JOHN MANIBAG

LERNA ST.

MARISSA SANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with