^

Metro

Roldan nakalaya na, PNP nadismaya

-
Dismayado si PNP chief Director General Oscar Calderon sa pagpapalaya ng korte kahapon ng umaga kay dating Quezon City Congressman at aktor na si Dennis Roldan kaugnay sa kasong kidnap-for-ransom na kinakaharap nito.

Si Roldan, Mitchell Gumabao sa tunay na buhay, ay tuluyan nang nakalaya kahapon matapos na maglagak ng P.5-M piyansa sa sala ni Judge Agnes Reyes-Carpio ng Branch 261 ng Pasig RTC.

Sinabi ni Carpio, na pinahintulutan nilang maglagak ng piyansa si Roldan dahil sa umano’y kakulangan ng prosekusyon na makapagbigay ng malinaw na ebidensiya sa kaso laban sa suspect.

Sa panig ng PNP, sinabi ni Calderon na maghahain sila ng mosyon sa Department of Justice upang ibasura ang desisyon ng korte na makapagpiyansa ito. Iginiit ng PNP chief na siya ring kasalukuyang hepe ng Police Anti-Crime and Emergency Response (PACER) na matibay ang mga nakalap nilang ebidensiya kaugnay sa pagkadukot sa biktimang si Kenshi Yu na noon ay 3-anyos pa lamang. (Joy Cantos)

vuukle comment

CARPIO

DENNIS ROLDAN

DEPARTMENT OF JUSTICE

DIRECTOR GENERAL OSCAR CALDERON

JOY CANTOS

JUDGE AGNES REYES-CARPIO

KENSHI YU

MITCHELL GUMABAO

POLICE ANTI-CRIME AND EMERGENCY RESPONSE

QUEZON CITY CONGRESSMAN

SI ROLDAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with