2 pang biktima ni Glenda natagpuan
July 28, 2006 | 12:00am
Dalawang bangkay na kinabibilangan ng isang 27-anyos na lalaki na tinangay ng rumaragasang tubig sa ilog sa Quezon City sa kasagsagan ng bagyong si "Glenda" ang magkahiwalay na natagpuan kahapon ng madaling- araw sa Caloocan at Valenzuela City.
Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-3 ng madalng araw nang matagpuang lumulutang sa Tullahan River sa Valenzuela City ang bangkay ni Raymundo Limpin, 27 ng Brgy. Gulod, Quezon City.
Ayon sa pahayag ni Luzviminda, kapatid ng nasawi na noong nakalipas na Martes niya huling nakita ang kapatid na nangunguha ng basurang plastic sa gilid ng Tullahan River sa Quezon City hindi kalayuan sa kanilang bahay.
Mula noon ay hindi na ito nakita sa paniwalang natangay ng malakas na current sa ilog.
Samantala, dakong ala-1 ng madaling araw naman nang matagpuan ang bangkay ng isang lolo sa isang creek sa Caloocan City. Inilarawan ang biktima na nasa gulang na 70-anyos, may taas na 56 talampakan nakasuot ng puting jacket at itim na short.
Kapwa pagkalunod ang pinaniniwalaang sanhi ng kanilang kamatayan. Walang nakitang external injuries sa mga biktima. (Rose Tamayo-Tesoro)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 4, 2024 - 12:00am
November 2, 2024 - 12:00am