Nasawi ang isang mister makaraang masabugan ng boiler tank sa kanyang pinapasukang pabrika ng plywood kahapon ng umaga sa Valenzuela. Nakilala ang biktima na nagtamo ng 3rd degree burn na naging sanhi ng kanyang kamatayan na si Rodrigo Villasis, ng Area 4, Pinagalad ng nabanggit na lungsod. Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-5:54 ng umaga sa loob ng Extensive Wood sa Kilometer 14 McArthur Highway sa Brgy. Dalandan. Napag-alaman na kasalukuyang inooperate ng biktima ang boiler tank na pinaglulutuan ng mga plywood nang bigla na lamang itong sumabog at sumaboy sa kanyang katawan ang kumukulong tubig mula sa tangke. Inaalam pa ng pulisya kung ano ang posibleng dahilan ng pagsabog ng bioler tank.
(Rose Tesoro-Tamayo) Driver tinarakan ng ex-boyfriend ni misis |
Pinatay sa saksak ang isang pedicab driver ng dating boyfriend ng kanyang misis, makaraang magselos ang una at komprontahin ang huli sa akalang may relasyon pa ang mga ito kahapon ng umaga sa Pasay City. Nakilala ang nasawing biktima na si Romeo Cupino, 35, habang mabilis namang tumakas ang suspect na nakilala lamang sa alyas na Lelep Mape. Ayon sa report, dating boyfriend ang suspect ng misis ng biktima. Sinasabing nagselos umano ang nasawi sa kutob na may relasyon pa ang suspect at misis nito kung kayat kinompronta nito si Lelep. Ikinagalit naman ng suspect ang pakikipagkomprontasyon sa kanya ng biktima kung kaya mabilis itong naglabas ng patalim at pinagsasaksak si Cupino at saka agad na tumakas.
(Lordeth Bonilla) Fil-Am na konektado sa US Embassy inireklamo |
Isang Filipino-American na negosyante na umanoy may koneksyon sa United States Embassy ang inireklamo ng isang 21-anyos na Pinay sa Manila Police District matapos siyang tangkaing halayin kapalit ng pagpapalabas ng kanyang US visa sa Ermita, Maynila. Inireklamo ni Cristina San Jose ang suspect na si Joel Bander, residente ng Imperial Bayfront Tower sa may A. Mabini St., Ermita, Maynila ng kasong acts of lasciviousness at unjust vexation sa Manila Prosecutors Office. Ayon sa biktima, nagtungo umano siya sa opisina ni Bander noong nakaraang Hulyo 15 para magpatulong sa pag-aapply ng visa. Matapos magbayad ay inimbitahan siya ng suspect sa loob ng kuwarto nito kung saan doon na siya nito sinimulang hipuan. Nagawa namang makatakas ng biktima sa kamay ng suspect at saka inireklamo ito sa pulisya na hindi naman agad naaksiyunan para maßdakip ang suspect.
(Danilo Garcia)