Sa ulat ng MPD-Theft and Robbery Section, naganap ang panghoholdap dakong alas-7:30 ng umaga sa Petron Gas station sa may panulukan ng Taft Avenue at Pedro Gil St., Ermita.
Ayon sa salaysay ni Maria Cristina Cruz, empleyado sa Petron station na nakatakda sanang dalhin ang tinatayang P1.8 milyong kita ng gasolinahan sa bangko nang tutukan sila ng limang armadong kalalakihan at tangayin ang pera na nakalagay sa magkahiwalay na dilaw at itim na plastic bag.
Sumakay ang mga suspect sa kulay pulang motorsiklo na nakaparada malapit sa nasabing lugar saka pinaharurot ito papalayo.
Tinuligsa naman ng mga empleyado ng Petron ang hindi pagresponde ng mga pulis sa insidente at malayang nakatakas ang mga suspect dahil sa kakulangan ng pulis sa kalsada na halos nakatutok sa pagbabantay sa Malacañang kaya sinamantala ng mga kawatan. (Danilo Garcia)