^

Metro

P1.8-M kita ng Petron tangay sa holdap

-
Habang nakatutok ang kapulisan sa pagbabantay sa bisinidad ng Malacañang dahil sa State of the Nation Address (SONA), sinalakay naman ng limang holdaper ang isang gasolinahan at tinangay ang nasa P1.8 milyong kita nito, kamakalawa ng umaga sa Ermita, Maynila.

Sa ulat ng MPD-Theft and Robbery Section, naganap ang panghoholdap dakong alas-7:30 ng umaga sa Petron Gas station sa may panulukan ng Taft Avenue at Pedro Gil St., Ermita.

Ayon sa salaysay ni Maria Cristina Cruz, empleyado sa Petron station na nakatakda sanang dalhin ang tinatayang P1.8 milyong kita ng gasolinahan sa bangko nang tutukan sila ng limang armadong kalalakihan at tangayin ang pera na nakalagay sa magkahiwalay na dilaw at itim na plastic bag.

Sumakay ang mga suspect sa kulay pulang motorsiklo na nakaparada malapit sa nasabing lugar saka pinaharurot ito papalayo.

Tinuligsa naman ng mga empleyado ng Petron ang hindi pagresponde ng mga pulis sa insidente at malayang nakatakas ang mga suspect dahil sa kakulangan ng pulis sa kalsada na halos nakatutok sa pagbabantay sa Malacañang kaya sinamantala ng mga kawatan. (Danilo Garcia)

DANILO GARCIA

ERMITA

MALACA

MARIA CRISTINA CRUZ

PEDRO GIL ST.

PETRON

PETRON GAS

STATE OF THE NATION ADDRESS

TAFT AVENUE

THEFT AND ROBBERY SECTION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with