^

Metro

Nang-asar na lolo, inatado

-
Patay ang isang 63-anyos na lolo matapos saksakin ng kapwa niya mananaya sa off track betting (OTB) nang magtalo sa kanilang kabayong pinustuhan kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila. Agad na nasawi sanhi ng tinamong mga saksak sa katawan ang biktimang nakilalang si lolo Buboy Bunye, ng Mayhaligue St., Tondo. Nakatakas naman ang suspect na si Malvin Tuliso, nasa edad na 20-25, na kapitbahay ng biktima. Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-9 ng gabi habang nagkakantiyawan pa ang dalawa matapos na tumaya sa karera ng kabayo. Nabatid na natalo si Tuliso na inaasar naman ni lolo Buboy. Tumindi ang pagkapikon ng suspect hanggang sa habulin nito ng saksak ang biktima na naging sanhi ng kamatayan ng huli. Mabilis namang tumakas ang suspect matapos ang ginawang pananaksak. (Danilo Garcia)
P10-M naabo sa sunog
Umaabot sa P10 milyon ang naabo matapos na masunog ang warehouse ng isang sikat na chicken house na tumagal ng mahigit sa walong oras kahapon ng madaling-araw sa Pasig City. Ayon sa ulat, dakong alas-12:38 ng madaling-araw ng magsimulang masunog ang dalawang palapag ng warehouse ng Kenny Rogers na matatagpuan sa 15 Brixton St., Brgy. Kapitolyo ng nabanggit na lungsod.

Napag-alaman sa mga saksi na bigla na lang kumislap ang isa sa mga kable ng kuryente sa ibabang bahagi ng dalawang palapag ng gusali at doon na sinundan ng apoy. Umabot ng 5th alarm ang nasabing sunog at ang pinakagrabeng napinsala ay ang kanilang mill solution kung saan nagsimula ang apoy. Idineklarang fireout ang sunog dakong alas-9 ng umaga. Walang iniulat na nasawi o nasaktan sa sunog. Lumalabas na faulty wiring ang sanhi ng nasabing sunog. (Edwin Balasa)
6 suspects sa Quiapo shootout inaarbor
Nangangamba ngayon ang Manila Police District-Homicide Section na posibleng maabsuwelto at makalaya ang anim na lalaking nakipagbarilan sa kanila matapos na may makialam umano na mataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) sa pagsasampa ng kaso laban sa mga ito. Sinabi ni C/Insp. Alejandro Yanquiling Jr., hepe ng Homicide Section, na tanging illegal possession of firearms lamang ang naisampa nila laban sa mga suspect na sina Amir Casan, Anzon Azan, Jomar Omar, Othng Ulangkaya, Vivencio Tapican at AKman Pinto. Ito’y sa kabila na pinaulanan sila ng bala ng matataas na kalibre ng baril ng mga suspect sa pagresponde nila sa Globo de Oro, Quiapo, sa isang sumbong ukol sa pagpupulong ng mga armadong lalaki. Ayon kay Yanquiling, armado umano ng mga "high-powered" na baril at may mga sniper pa ang mga ito. Nasawi naman sa naturang insidente ang 19-anyos na si Ali Bangcolo. Sinabi nito na patung-patong na kaso ang nakatakda sanang isampa laban sa mga suspect ngunit pinigilan umano sila ng ilang mas mataas na opisyal sa PNP. Sinasabi rin na may mga malalaking tao ang lumutang na umarbor sa mga suspect. (Danilo Garcia)

ALEJANDRO YANQUILING JR.

ALI BANGCOLO

AMIR CASAN

ANZON AZAN

AYON

BRIXTON ST.

BUBOY BUNYE

DANILO GARCIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with