Driver nagmumulto
July 24, 2006 | 12:00am
Dahil sa hindi pa nakakamit ang katarungan, nagmumulto na umano ang jeepney driver na pinaslang ng isang opisyal ng Manila City Hall sa kanyang pamilya sa Tondo, Maynila.
Sinabi ni Liza Luriz, kapatid ng biktimang si Aries, 27, naniniwala sila na nagmumulto na ito dahil sa mga hindi maipaliwanag na nagaganap sa loob ng kanilang bahay.
Kabilang umano rito ang bigla na lamang pagbukas ng telebisyon na paboritong panooran ni Aries na wala namang nagbubukas at kahit hindi naka-plug sa power outlet, bukod pa sa napapadalas na rin umano ang pagpatay-sindi ng mga ilaw sa kanilang bahay.
Sinabi naman ni Mang Catalino Luriz, ama ni Aries na palagi niyang napapanaginipan ang anak na naglalambing sa kanya tulad noong nabubuhay pa ito.
Malaking kawalan umano sa kanilang pamilya si Aries dahil sa pagtulong nito sa kabuhayan nilang pamilya sa kabila ng pagiging driver lamang ang hanapbuhay.
Inamin ng pamilya Luriz na marami na ang lumalapit sa kanila kabilang na ang mga opisyales ng barangay na humingi ng areglo para iatras ang kaso laban sa suspect na si Noli Sugay. Nanindigan naman si Mang Catalino na patuloy nilang ilalaban ang kaso hanggat hindi nakakamit ang katarungan sa kanyang anak na binaril umano na parang hayop.
Matatandaan na nasawi ang biktima noong Hulyo 13 sa paradahan ng jeep sa Dagupan St., Tondo matapos na makipagtalo sa suspect dahil sa pagkakaharang sa kanyang sasakyan. Si Sugay ay kasalukuyang nakakalaya dahil sa hindi pa nakakapaglabas ang korte ng warrant of arrest laban dito.
Samantala, nalalagay ngayon sa alanganin ang posisyon ng MPD-Homicide Section chief na si C/Insp. Alejandro Yanquiling Jr., matapos na bantaan siya ng isang mataas na opisyal na tatanggalin sa kanyang pwesto dahil sa pagtutok nito sa kaso ng tinaguriang "little mayor" ng Maynila.
Sinabi ni Yanquiling na nangangamba siya ngayon na maalis bilang hepe ng kanyang departamento at mailagay sa floating status dahil sa pagbabanta umano sa kanya ng mataas na opisyal ng PNP na itinanggi nitong pangalanan. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended