^

Metro

Noli Sugay hindi lisensiyadong gunholder

-
Hindi umano rehistradong gunholder ang tinaguriang ‘little mayor’ ng Manila na bumaril at nakapatay sa isang jeepney driver sa Tondo noong nakaraang linggo.

Ayon sa isang impormante mula sa isang mataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) na nai-check na nila sa Firearms and Explosive Division sa Camp Crame kung lisensiyadong gunholder si Jose Noli Sugay subalit natuklasang wala ang pangalan nito sa listahan.

"Dahil sa hindi siya licensed gunholder, nangangahulugan ito na ilegal ang pagdadala niya ng baril", pahayag pa ng impormante.

Ang ama lamang umano nito na si Jose Sugay Sr., ang nasa listahan subalit patuloy pa rin nilang susuriin kung ang ginamit na .45 pistol ni Noli Sugay sa pamamaril kay Aries Lurez ay pag-aari ng kanyang ama.

Magugunita na binaril at napatay ni Sugay si Lurez noong Hulyo 12 dakong alas-6:30 ng gabi sa harap ng bahay nito na matatagpuan sa panulukan ng Dagupan at Coral St. Tondo, Maynila dahil lamang sa naharangan ng huli ang sasakyan ng una.

Sinuspinde naman ni Mayor Atienza si Sugay matapos ang sunud-sunod na batikos na tinamo.

Nagpalabas na rin ng hold order ang DoJ laban kay Sugay. (Gemma Amargo-Garcia)

ARIES LUREZ

CAMP CRAME

CORAL ST. TONDO

FIREARMS AND EXPLOSIVE DIVISION

GEMMA AMARGO-GARCIA

JOSE NOLI SUGAY

JOSE SUGAY SR.

MAYOR ATIENZA

NOLI SUGAY

SUGAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with