Magkapatid na paslit, natusta sa sunog
July 22, 2006 | 12:00am
Natusta ang magkapatid na paslit matapos na maiwanan ng kanilang mga magulang habang nasusunog ang kanilang bahay sanhi lamang ng natumbang kandila, kahapon ng madaling-araw sa Parañaque City.
Halos hindi na makilala ang mga biktima na sina Bernadeth, 2; at Kurt Geinard Bautista, 1, dahil sa matinding pagkasunog.
Samantala, aabot naman sa 30 kabahayan na pawang mga shanties ang nadamay sa sunog at tinatayang aabot sa P1.5 milyon ang halaga ng mga ari-ariang natupok ng apoy.
Sa imbestigasyon ng Parañaque City Fire Department, nagsimula ang sunog dakong alas-12:30 ng madaling-araw sa bahay ng mga biktima sa Rodriguez Compound sa Ninoy Aquino Avenue, Brgy. Santo Niño ng nabanggit na lungsod.
Napag-alaman na walang kuryente sa bahay ng mga ito at natumba ang kandila na siyang gamit ng pamilya sa loob ng bahay. Dito na umano nagsimulang kumalat ang apoy.
Dahil sa labis na pagkataranta ng mga magulang ng mga biktima na sina Bernard at Cathy Bautista, naiwanan nila ang kanilang mga anak sa loob ng nasusunog na bahay.
Matindi na ang pagliliyab ng apoy ng maalala ng mga ito ang dalawang paslit.
Dakong alas-2:30 ng madaling-araw ng ideklarang kontrolado na ang sunog. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended