^

Metro

Binatilyo dedo sa trigger-happy na tiyo

-
Napatay ng isang trigger happy na negosyante ang kanyang sariling pamangkin matapos ang walang habas na pagpapaputok nito ng baril dahil sa mainit ang ulo nang mag-away ng kanyang misis, kamakalawa ng gabi sa Taguig City.

Patay na nang idating sa South Super Hi-way Medical Center ang biktimang si Paulo Cajandab, 16, ng 533 Santa Maria St., Severina Subdivision, Bagong Bayan, Taguig City sanhi ng tinamong tama ng bala ng 9mm pistol sa batok.

Nakilala naman ang tiyuhing suspect na si Ernesto Abalin, 52, ng nabanggit din lugar.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-11 ng gabi habang nakatayo ang biktima sa gilid ng kanilang bahay.

Sa pagkakataong iyon ay nag-aaway naman ang suspect at misis nitong si Norma. At dahil sa uminit ang ulo ng suspect, kinuha nito ang kanyang baril at walang sabi-sabi itong pinaputok .

Hindi nito alam na nakatayo ang kanyang pamangkin na si Paulo sa gilid ng bahay na tinamaan niya sa kanyang ginawang pagpapaputok ng baril.

Agad namang nadakip ang suspect at nakumpiska rito ang ginamit na baril.

Napag-alaman pa na madalas magpaputok ng baril ang negosyante kapag mainit ang ulo nito. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BAGONG BAYAN

ERNESTO ABALIN

LORDETH BONILLA

MEDICAL CENTER

NAKILALA

PAULO CAJANDAB

SANTA MARIA ST.

SEVERINA SUBDIVISION

SOUTH SUPER HI

TAGUIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with