8-anyos inuntog ng guro, patay
July 21, 2006 | 12:00am
Isang grade-2 pupil ang nasawi matapos umano itong magka-hemorrhage nang iuntog ang kanyang ulo ng kanyang guro sa isa niyang kaiskuwela na naganap noong Hulyo 14 sa Muntinlupa City.
Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Muntinlupa City chief of police Supt. Jose Mario Espino nakilala ang nasawi na si Ma. Jessalyn Palma, 8, nag-aaral sa Sucat Elementary School.
Nasawi ito matapos na limang araw ma-confine sa Ospital ng Muntinlupa dahil sa hemorrhage.
Samantala, nakakalaya pa hanggang sa ngayon ang suspect na si Esperanza Balderes, teacher ng grade 2 ng Sucat Elementary School na matatagpuan sa Brgy. Sucat, Muntinlupa City.
Base sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente noong nakalipas na Hulyo 14, ng taong kasalukuyan, dakong alas-3 ng hapon sa nabanggit na paaralan.
Base sa sumbong, nakulitan umano ang guro sa bata dahil sa sobrang kalikutan kung kaya inuntog ang ulo nito sa isa pa niyang kaklase.
Nang umuwi sa kanilang bahay ang bata ay nakaramdam ito ng pananakit ng ulo at nangingitim ito.
Naging dahilan upang dalhin ang bata ng kanyang mga magulang sa pagamutan at nadiskubre base na rin sa sumbong ng biktima na pinag-untog umano ang ulo nila ng kanyang kaklase ng gurong si Balderas.
Sa ngayon patuloy na iniimbestigahan ang kaso.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended