Ginang nadamay sa gang war, patay
July 20, 2006 | 12:00am
Nasawi ang isang 43-anyos na ina matapos na tamaan ng ligaw na bala buhat sa naglalabanang mga gangster kahapon ng madaling araw sa Tondo, Maynila.
Hindi na naisalba ng mga manggagamot sa Tondo General Hospital ang buhay ng ginang na si Carmelita Junio, ng 2033 G. Perfecto St., Gagalangin, Tondo, Manila.
Isinugod naman sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang tatlong sugatang kabataan na sangkot sa riot na sina Ferdinand Ramos, 19; Andy Lopez, 22 at Charlie dela Paz, 33.
Pinaghahanap naman ngayon ng pulisya ang suspect na nakilala lamang sa alyas na Junior Mata na itinuturong siyang sumumpak sa biktimang si Junio sanhi ng kamatayan nito.
Sa ulat ng MPD-Homicide Section, naganap ang riot dakong alas-2:30 ng madaling araw sa tapat ng bahay ng biktima.
Nabatid na lumabas ng bahay ang ginang para hanapin ang kanyang dalawang anak na sina Christine at Janelle nang maipit sa rambol. Bigla na lamang tumumba ang biktima nang tamaan ng ligaw na bala buhat sa nagsasagupaang mga kabataan. Nadiskubre lamang na nadamay ang ginang nang humupa na ang riot ng mga kabataan na nagsitakas sa ibat-ibang direksyon.
Muling pinaalalahanan ni Chief Inspector Alejandro Yanquiling Jr. ang mga opisyal ng barangay sa kanilang responsibilidad sa pagbabantay sa mga kabataan upang maiwasan ang banggaan ng mga gangster kung saan marami na ang nadadamay na mga inosenteng sibilyan. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended