^

Metro

Ina arestado sa P.2M panunuhol sa pulisya

-
Arestado kamakalawa ng gabi ang isang 49-anyos na ginang makaraang tangkain nitong suhulan ng P200,000 ang mga tauhan ng Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Force (AID- SOTF) upang mapalaya ang kanyang tatlong anak na babae at tiyahin na nahuli sa 300 gramo ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa magkahiwalay na lugar sa Pasay.

Ang nadakip ay nakilalang si Dolores Rodriguez,dinakip mismo sa opisina ng AID- SOTF dakong alas-6:30 ng gabi kamakalawa matapos isagawa ang entrapment operation. Nabatid na tinangkang suhulan ni Dolores ang mga awtoridad kapalit ng kalayaan ng tatlong mga anak na nakilalang sina Ma. Cristina, 21; Katrina, 19; isang 13-anyos na dalagita at tiyahing si Erlinda Francisco, 40, na nahuli sa buy-bust operation sa magkahiwalay na lugar sa Pasay at nakuha sa mga ito ang may 300 gramo ng shabu. Ayon kay AIDSOTF Director Marcelo Ele Jr., nakatanggap sila ng ulat hinggil sa ilegal na aktibidades ng pamilya Rodriguez na pawang mga residente ng 63 dela Serna St. Merville Subd. Access Road kaya agad itong nagsagawa ng dalawang linggong surveillance operation, kung saan nadakip ang 3 mga anak ni Dolores. (Edwin Balasa)

vuukle comment

ACCESS ROAD

ARESTADO

AYON

DIRECTOR MARCELO ELE JR.

DOLORES RODRIGUEZ

DRUGS SPECIAL OPERATION TASK FORCE

EDWIN BALASA

ERLINDA FRANCISCO

PASAY

SERNA ST. MERVILLE SUBD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with