^

Metro

2 pang kaso ng ‘little mayor’ ng Maynila nabulgar

-
Bago pa man maharap sa kasong pagpatay sa isang jeepney driver, naharap na sa patung-patong na kasong kriminal ang itinuturing na "little mayor" ng lungsod ng Maynila matapos na mahukay ang rekord nito sa Manila Police District (MPD).

Sa nakuhang dokumento buhat sa isang source sa MPD, nabatid na nahaharap na rin sa kasong homicide si Special Executive Assistant to the Mayor na si Noli Sugay noong Hulyo 17, 1968 na may address sa #273 Beltran St., Balut, Tondo.

Nabatid na naging wanted ito sa Homicide Division ng noon pa’y Manila Police Dept. na hinahawakan ng isang Capt. B. Calderon base sa #341 File 3-A ng records section.

Nahaharap din ito sa kasong robbery hold-up ng isang motorsiklo noong Abril 11, 1967 sa reklamo ng isang Luisa A. Alcaraz ng #77-E Serrano Laktaw, Quezon City base naman sa #956 File 18.

Sinabi ng source na hinuhukay pa nila ang posibleng ibang kaso ni Sugay sa Pasig City at maging sa Bureau of Corrections nang umano’y makulong ito sa Bilibid Prisons.

Nagtataka naman ito kung bakit sa kabila ng naturang mga record ay kinuha pa rin ito ni Mayor Lito Atienza bilang kanyang executive assistant sa kabila ng pagkakaroon na ng mga department heads ng Manila City Hall.

Samantala, hiniling na ng pamilya ng biktimang si Aries Luriz sa Bureau of Immigration na ilagay sa "watchlist" si Sugay dahil sa pangamba na baka tumakas ito papalabas ng bansa matapos na pormal na maisampa na ang kasong murder sa Dept. of Justice. (Danilo Garcia at Gemma Garcia)

ARIES LURIZ

BELTRAN ST.

BILIBID PRISONS

BUREAU OF CORRECTIONS

BUREAU OF IMMIGRATION

DANILO GARCIA

E SERRANO LAKTAW

GEMMA GARCIA

HOMICIDE DIVISION

LUISA A

MANILA CITY HALL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with