Ito ang ibinabala kahapon ni Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi sa ilang residente sa lungsod, kung kaya mahigpit nang ipinagbabawal ng pamahalaang lungsod ang paglalagay o konstraksyon ng illegal deep well sa kanilang hurisdiksyon.
Base sa rekord ng DENR, ilang area sa Muntinlupa ang itinuturing na kritikal, lalo na kung hindi matitigil ang paglalagay ng mga illegal connection ng deep well na patuloy na nakakaapekto sa paglambot ng lupa.
Nabatid pa sa rekord ng National Water Resources Board (NWRB) na aabot sa 3,000 ang bilang ng mga deep well na nag-ooperate sa Metro Manila. Animnapung porsiyento ay ilegal at 40 porsiyento lamang ang legal o may kaukulang permit.
Nalaman pa rin na karamihan sa mga negosyong car wash sa lungsod ay buhat sa deep well ang ginagamit na tubig.
Kung patuloy umano ang konstraksyon ng deep well, tuluyang guguho ang mga lupa rito at posibleng mabura sa mapa ang Muntinlupa. (Lordeth Bonilla)