Si Inday Garutay, Christopher Borja sa tunay na buhay ay nagtungo sa Pasig City Prosecutors Office kasama ang kanyang abogadong si Jae Dela Cruz upang isampa ang nasabing kaso laban sa management ng Aruba Bar and Restaurant na matatagpuan sa Metrowalk strip mall sa Ortigas Center ng nasabing lungsod.
Ayon kay Garutay, naganap ang pambabastos sa kanya ng manager ng restaurant dakong alas-6:00 ng gabi noong Hulyo 4 nang dumalo ito ng birthday party ng isang kaibigan suot ang beige na blouse na pambabae at kulay itim na slacks at sapatos na pambabae din.
Ilang minuto pa lang umano siyang nakakaupo sa nasabing resto ay nilapitan siya ng manager na nakilalang si Tin-tin Aguilar at pinalabas siya dahil bawal umano ang suot niya sa nasabing restaurant.
Ang pahayag ni Garutay ay sinegundahan naman ng kanyang abogado at sinabing tinanggalan nila ng karapatan ang kanyang kliyente dahil sa kanilang ginawa.
"It is not about defending the right to wear mini-skirt inside an establishment, it is about defending a legitimate life choice," saad ng abogado ni Garutay. (Edwin Balasa)