Ayon kay MPD-Homicide chief, Chief Insp. Alejandro Yanquiling, Jr., bukod sa kasong murder, nahaharap din sa 2 couts ng frustrated homicide at illegal discharge of firearm ang suspect na si Noli Sugay, senior executive assistant sa Office of the Mayor ng Manila City Hall.
Sinabi ni Yanquiling na handa na silang arestuhin si Sugay sa sandaling magpalabas ng warrant of arrest ang korte bunga ng pagpatay kay Aries Luriz noong Hulyo 12 ng hapon.
Nangangamba naman ang pamilya Luriz na magkaroon ng whitewash sa kaso bunga na rin ng pagiging malapit umano ni MPD director, Chief Supt. Pedro Bulaong kay Sugay.
Matatandaan na personal na nagtungo si Sugay sa opisina ni Bulaong subalit hindi ito inaresto ng heneral at hinayaang umalis dahil sa umanoy wala pang kasong isinasampa ang pamilya Luriz laban sa suspect. (Danilo Garcia)