Lalaki, patay sa pagtulong
July 17, 2006 | 12:00am
Hindi marahil akalain ng isang lalaki na ang kanyang pag-aalok ng tulong na towing service ang magiging dahilan ng kanyang kamatayan nang pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspect kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Tadtad ng mga tama ng bala ng baril sa katawan ang biktimang si Joseph Magallanes, 35, towing assistant at residente ng Bagong Silang, Caloocan.
Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation Division (QCPD-CID), naganap ang insidente bandang alas-10:45 ng gabi sa kahabaan ng Belfrast Ave., Brgy. Pasong Putik, Fairview.
Nabatid na nagroronda sakay ng towing service ang biktima kasama ang anim pang crew members nang madaanan nila ang isang pulang kotse na nakaangat ang hood sakay naman ang dalawang lalaking suspect.
Agad na bumaba ang biktima at tinanong ang mga suspect kung ano ang problema sa kotse at kung kailangan umano ng dalawang lalaki ng towing assistance.
Sa pag-aakala marahil na ito-tow ang kanilang sasakyan ay agad na nairita ang mga suspect na nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang sa bumunot ng baril ang isa sa mga suspect at pinaputukan si Magallanes ng ilang beses na agad nitong ikinasawi .
Hindi naman nakaporma ang iba pang kasamahan ng biktima hanggang sa makatakbo ang mga suspect.
Nagsasagawa ngayon ng follow-up operation ang mga awtoridad kaugnay sa naganap na insidente kung saan isinasailalim na sa artist sketch ang mga suspect. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended