Dead-on-the-spot ang biktima na si Mila Ampaso, 32, ng #.205 E. Rodriguez Sr., Brgy. Damayang Lagi habang patuloy namang tinutugis ng mga awtoridad ang nakatakas na suspect na si Azis Angne, ng Kawayan St., Brgy. Commonwealth, Quezon City.
Sa imbestigasyon ni PO2 Edwin dela Cruz ng Quezon City Police District-Criminal Investigation Division (QCPD-CID), naganap ang insidente dakong alas-6 ng umaga sa Kawayan St., ng nasabing lugar.
Bago naganap ang krimen, nabatid na unang dinalaw ni Ampaso ang kaibigan nitong si Maribel Mediola sa nasabing lugar at nagkrus ang kanilang landas ng dati nitong nakaaway na nagngangalang Pamela hanggang sa humantong sa komprontasyon at mainitang pagtatalo.
Ngunit nakita ni Angne na kumuha ng malaking bato si Ampaso at binato si Pamela kayat agad na umuwi ang una at kumuha ng kutsilyo saka inundayan ng sunud-sunod na saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan ang biktima na agad nitong ikinamatay.
Matapos ang insidente ay agad na tumakas ang suspect tangay ang ginamit na patalim. (Doris Franche)