15 kolektor ng jueteng sa QC, timbog
July 16, 2006 | 12:00am
Umaabot sa 15 katao na pawang mga kolektor ng kontrobersiyal na operasyon ng jueteng sa bansa ang naaresto sa isinagawang raid, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Nakaditene ngayon sa Police Intelligence Division (PID) ng Quezon City Police District (QCPD) ang mga naarestong suspect na nadakip makaraang salakayin ng operatiba ang isang bahay sa 127 Central Avenue, Brgy. Culiat dakong alas-8 ng gabi.
Nabatid na isang linggo isinailalim sa pagmamanman ang operasyon ng jueteng sa nasabing lugar kung kayat agad na bumuo ng raiding team ang QCPD-PID at agad na sinalakay ang nasabing bahay.
Naaktuhan pa ang mga suspect na nagbibilang ng mga perang nakolekta galing sa naturang sugal.
Narekober naman ng operatiba ang betting money na P3,466.50, tatlong calculators, dalawang stamp pads mga booklet lists at mga ballpen na ginagamit ng mga suspect sa operasyon ng naturang sugal. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended