1 sa 2 suspect sa P.3-M payroll holdup, arestado
July 16, 2006 | 12:00am
Arestado ang isa sa dalawang suspect na humoldap sa mahigit sa P.3 milyong payroll money ng isang kompanya, kamakalawa ng hapon sa Makati City.
Kinilala ng pulisya ang naarestong suspect na si Saturday Carpo, 26, tubong Camarines Sur, habang kasalukuyan namang pinaghahanap ng pulisya ang kasamahan nito na si Gilbert Buntag, security guard ng Free Aire Industries Inc., na matatagpuan sa LPL Bldg., Legaspi Village, nabanggit na siyudad.
Batay sa ulat ng Makati City Police, dakong alas-3:45 nang maaresto si Carpo makaraang holdapin nila si Aurea Ferreras, sekretarya ng Free Aire Industries Inc., habang ang huli ay katatapos lamang mag-withdraw ng P372,500 sa PCI Equitable Bank na hindi kalayuan sa kanilang kompanya.
Naglalakad umano si Ferreras pabalik na sa kanilang tanggapan nang biglang dumating ang mga suspect at magdeklara ng holdap.
Sa puntong ito ay agad na nagsusumigaw sa paghingi ng saklolo si Ferreras na nakatawag pansin naman sa mga nagpapatrulyang pulis.
Naaresto sa nasabing insidente si Carpo, habang nakatakas naman si Buntag.
Nabawi sa posesyon ni Carpo ang bahagi ng kabuuang halaga, habang nawawala ang iba pang halaga.
Isang masusing imbestigasyon naman ang kasalukuyang isinasagawa ng pulisya hinggil sa nasabing insidente.
"Inside job" naman ang pangunahing anggulong sinisiyasat ngayon ng Makati Police habang target pa ng manhunt ang nakatakas na si Buntag. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended