Patay na ng idating sa Novaliches District Hospital ang biktimang si Edgardo Francisco, ng San Miguel St., Gulod, Novaliches, nabanggit na lungsod, habang pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad ang suspect na nakilala lamang sa pangalang Ceboy.
Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-3:15 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa panulukan ng Quirino Highway at Susano Road, nabanggit na lungsod.
Kasalukuyang naglalakad umano ang biktima nang makasalubong nito ang lasing na suspect at magtalo ang mga ito, hanggang sa bumunot ng patalim ang huli at inundayan ng sunod-sunod na saksak ang una sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan.
Sinikap pang dalhin sa pagamutan ang biktima ngunit minalas na hindi na ito umabot pa ng buhay, habang ang suspect ay mabilis namang tumakas matapos ang nasabing insidente. (Doris Franche)