^

Metro

Tensyon sa Fort Bonifacio, muling sumiklab

-
Naudlot ang pagpapalayas sa 106 pamilya kabilang dito ang 78 military at police official na pawang nakatira sa compound ng Joint United State Military Assistance Group (JUSMAG) sa Fort Bonifacio sanhi ng sama ng panahon kung saan nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng mga ito at grupo ng mga sundalo na nakatakda sanang magsagawa ng eviction kahapon ng umaga sa Taguig.

Base sa ulat, dakong alas-7 pa lang ng umaga, binarikadahan na ng grupo ng South Side Home Owners Association na kinabibilangan ng mga ret. military men ang naturang lugar kung saan sinara nila ang gate at kinadenahan ito upang walang makadaan. Gayunman, ginamitan ito ng bolt cutter ng mga sundalong magsasagawa sana ng eviction. Hanggang sa magkaroon ng matinding tensyon.

Naudlot lamang ang eviction dahil sa masamang lagay ng panahon kaya nagpasya si AFP Chief of Staff Lt. Gen. Hermogenes Esperon Jr. na hindi aniya makatao kung itutuloy ang demolition sa mga ito.

Ilang mga ret. generals naman ang nagboluntaryo na umalis sa naturang lugar para mabigyan ng pagkakataon ang mga batang military official na makagamit naman sa pasilidad ng gobyerno.

Bukas nakatakdang ituloy ang demolition. (Lordeth Bonilla)

BUKAS

CHIEF OF STAFF LT

FORT BONIFACIO

GAYUNMAN

JOINT UNITED STATE MILITARY ASSISTANCE GROUP

LORDETH BONILLA

NAUDLOT

SOUTH SIDE HOME OWNERS ASSOCIATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with