70-anyos na lolo dinedo dahil sa tong-its
July 15, 2006 | 12:00am
Patay ang isang 70-anyos na lolo makaraang pagsasaksakin ng kalaro sa tong-its matapos nitong pagbintangang nandaraya ang kanyang kalaro, kamakalawa ng hapon sa Pasig City.
Namatay bago pa idating sa Rizal Medical Center sanhi ng tinamong mga saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Alejandro Villaflores at residente ng 1691 JB Miguel St. Brgy. Bambang ng nasabing lungsod.
Samantala, agad namang tumakas ang suspect na nakilalang si Rodel Orteza ng Malinao Bukid, Brgy. Malinao ng nabanggit na lungsod.
Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-3:30 ng hapon sa loob ng bahay ng isang Susan Reyes sa 52 E. Jacinto St. kung saan naglalaro ng tong-its ang mga ito.
Nabatid na kasalukuyang natatalo sa nasabing sugal ang biktima nang akusahan niyang nandaraya ang suspect na humantong sa mainitang pagtatalo.
Sa gitna ng pagtatalo ay hinugot ng suspect ang kanyang balisong na nakatago sa beywang at saka pinagsasaksak ang biktima bago mabilis na tumakas.
Isang manhunt operation naman ang isinasagawa ng pulisya para madakip ang suspect. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest