Mag-pinsang kidnappers, timbog
July 14, 2006 | 12:00am
Dalawang hinihinalang bagitong miyembro ng kidnap-for-ransom (KFR) gang ang nasakote ng mga operatiba ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa isinagawang operasyon sa Commonwealth, Quezon City, kamakalawa ng hapon.
Nakilala ang mga nadakip na sina Mark Anthony Gloria, 20; at pinsan nitong si Mark Joseph Padilla, 18.
Ayon sa ulat, ang magpinsang suspect ay magkasunod na naaresto ng mga tauhan ng Batasan Police Station 6 sa raid na isinagawa sa Commonwealth, Quezon City.
Nabatid na ang dalawa ay sangkot sa pagdukot sa biktimang si Marvin Ausa, 14, estudyante, residente ng MRB Compound Building 20 Unit 2014 Brgy. Commonwealth,Quezon City at anak ng isang furniture shop owner.
Lumilitaw sa imbestigasyon na naganap ang pagdukot sa biktima noong Hulyo 11 matapos itong sunduin ng isa sa suspect na si Mark Joseph na nagpanggap na magpapasama sa furniture shop ng kanyang mga magulang sa Feria Road sa Brgy. Old Balara ng lungsod pero tuluyan itong tinangay patungo sa Sta. Lucia Mall hanggang sa itinago ito sa isang lugar sa Tanay, Rizal.
Humingi umano ang mga kidnapper ng P.8-M ransom kapalit ng kalayaan ng biktima. Nagbanta pa ang dalawa na papatayin ang bihag kapag nagsumbong sa mga awtoridad ang pamilya nito.
Dakong alas-3:30 ng madaling-araw ay nagawang makatakas ng biktima sa kamay ng mga suspect. Ilang residente ang tumulong dito para madala sa himpilan ng pulisya. Agad namang nagsagawa ng operasyon ang mga awtoridad at naaresto ang mga suspect.
Nabatid pa na nabalian ng braso ang biktima matapos na hampasin ng matigas na bagay ng mga suspect. (Joy Cantos at Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended