^

Metro

Pekeng prinsipe arestado ng NBI

-
Isang Nigerian na nagpapakilalang prinsipe sa nabanggit na bansa ang inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa pagtangay ng libu-libong dolyares sa isang Amerikano at sa ilang Pinay na biniktima nito at inalok ng kasal.

Nakilala ang nadakip na si Prince Olarewaju Olajide, alyas Dr. John, 31, estudyante ng Virgen Milagrosa University sa Pangasinan at residente ng Lot 1 Block 22 Dokmar Subdivision, Novaliches, Caloocan City.

Sa imbestigasyon ng NBI-National Capital Region nag-ugat ang pagkakadakip sa suspect sa reklamo ni Julius Onyuego, isang US citizen na pinanganak sa Nigeria. Humingi umano siya ng tulong sa suspect upang mapalabas ng kulungan ang kanyang pamangkin na si Vincenty Konjore na inaresto dahil sa paglabag sa Philippine Passport Law.

Unang nanghingi ng US$4,500 (P225,000) si Olajide na ipinadala naman ng biktima. Sinundan pa ito ng paghingi ng suspect ng US$4,200 pa para umano pampadulas sa mga tauhan ng Bureau of Immigration. Dito na nagduda ang biktima kaya nagpasya itong magtungo sa Pilipinas kung saan nadiskubre nito na hindi naman inaasikaso ng suspect ang kaso ng kanyang pamangkin at ibinubulsa lamang ang perang ipinapadala niya.

Dito na humingi ng tulong ang biktima sa NBI kung saan naaresto si Olajide sa isang entrapment operation sa Bayview Hotel sa Roxas Boulevard sa Ermita. (Danilo Garcia)

BAYVIEW HOTEL

BUREAU OF IMMIGRATION

CALOOCAN CITY

DANILO GARCIA

DITO

DOKMAR SUBDIVISION

DR. JOHN

ISANG NIGERIAN

JULIUS ONYUEGO

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with