Sa Malabon City, lampas-tuhod ang tubig sa ilang pangunahing lansangan kaya hindi ito nadaanan ng maliliit na sasakyan.
Bumigay naman ang dike makaraan ang magdamag at malakas na pagbuhos ng ulan. Maaga pa lamang ay halos nagkansela na ng klase ang mga paaralan sa naturang lugar dahil sa inaasahan pang pagtaas ng tubig.
Labis na naapektuhan ng tubig-baha ang mga pangunahing barangay sa Valenzuela City na kinabibilangan ng Caloong 1 at 2, Balangkas, Viente Reales, Mabolo, Tagalaf at Polo.
Nakaantabay din ang mga medical team sa nasabing mga lugar para sa agarang pagresponde sa mga residenteng mapipinsala kasabay ng pamumudmod ng mga gamot.
Sa Maynila, nakaranas din ng pagbaha ang maraming lugar dito, katulad sa Taft Avenue, UN Avenue, España at Quiapo na nagdulot ng matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko. (Rose Tamayo at Gemma Amargo Garcia)