^

Metro

MM binaha ni ‘Florita’

-
Bagamat walang storm signal na nakataas kahapon sa Metro Manila sanhi ng bagyong si "Florita", matinding pag-ulan din ang naranasan dito na naging dahilan ng maraming pagbaha sa iba’t ibang lugar. Sinalanta nang husto ng pagtaas ng tubig-baha ang CAMANAVA area bunsod ng pagkasira ng dike at pag-apaw ng nasirang floodgate.

Sa Malabon City, lampas-tuhod ang tubig sa ilang pangunahing lansangan kaya hindi ito nadaanan ng maliliit na sasakyan.

Bumigay naman ang dike makaraan ang magdamag at malakas na pagbuhos ng ulan. Maaga pa lamang ay halos nagkansela na ng klase ang mga paaralan sa naturang lugar dahil sa inaasahan pang pagtaas ng tubig.

Labis na naapektuhan ng tubig-baha ang mga pangunahing barangay sa Valenzuela City na kinabibilangan ng Caloong 1 at 2, Balangkas, Viente Reales, Mabolo, Tagalaf at Polo.

Nakaantabay din ang mga medical team sa nasabing mga lugar para sa agarang pagresponde sa mga residenteng mapipinsala kasabay ng pamumudmod ng mga gamot.

Sa Maynila, nakaranas din ng pagbaha ang maraming lugar dito, katulad sa Taft Avenue, UN Avenue, España at Quiapo na nagdulot ng matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko. (Rose Tamayo at Gemma Amargo Garcia)

BAGAMAT

BALANGKAS

GEMMA AMARGO GARCIA

METRO MANILA

ROSE TAMAYO

SA MALABON CITY

SA MAYNILA

TAFT AVENUE

VALENZUELA CITY

VIENTE REALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with