^

Metro

Linya ng LRT 2 tinamaan ng kidlat

-
Umabot sa 25,000 pasahero ang naapektuhan kahapon makaraang tamaan ng kidlat ang isang linya ng Light Rail Transit (LRT) Line 2 dahilan upang maparalisa ng mahigit anim na oras ang operasyon nito.

Ayon kay Jinky Giorgio, tagapagsalita ng LRTA, dakong alas-7 ng umaga nang tamaan ng kidlat ang messenger line sa pagitan ng Santolan at Katipunan Station, dahilan upang humina ang daloy ng kuryente na hindi angkop para makatakbo ang tren.

Subalit idinagdag pa ni Giorgio na hindi naman naapektuhan ang biyahe ng nasabing tren mula sa Anonas hanggang sa Recto Station.

"Yung dalawang station lang ang naapektuhan, ang Santolan at Katipunan, yung iba pang istasyon tuloy ang operasyon," pahayag pa ni Giorgio.

Naibalik sa normal ang operasyon ng Line 2 dakong ala-1:22 ng hapon.

Ang LRT 2 ay may 11 istasyon na bumibiyahe mula sa Santolan sa Pasig City hanggang sa C.M Recto sa Maynila.

Nabatid na mayroon itong mahigit sa 300,000 pasaherong tumatangkilik sa araw-araw na karamihan ay mga estudyante. (Edwin Balasa)

ANONAS

EDWIN BALASA

GIORGIO

JINKY GIORGIO

KATIPUNAN STATION

LIGHT RAIL TRANSIT

M RECTO

PASIG CITY

RECTO STATION

SANTOLAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with