MAPSA member utas sa ambush
July 13, 2006 | 12:00am
Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng tatlong armadong lalaki ang isang traffic investigator ng Makati Public Safety Assistance (MAPSA) habang nag-aabang ito ng kanyang masasakyan patungo sa kanyang trabaho kahapon ng umaga sa nabanggit na lungsod.
Nakilala ang nasawing biktima na si Felicisimo Enriquez, 43, ng #2991 H. Santos St., Brgy. Carmona ng nabanggit na lungsod. Nagtamo ito ng ilang tama ng bala ng baril sa ulo.
Mabilis namang tumakas ang tatlong suspect na naglakad lamang habang bitbit pa ang ginamit nilang baril sa biktima.
Sa ulat ni Senior Inspector Gary A. Reyes, hepe ng Criminal Investigation Unit (CIU) ng Makati City Police, naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng umaga sa kahabaan ng A.P. Reyes St., Brgy. Tejeros ng nabanggit na lungsod.
Napag-alaman na nag-aabang ng kanyang masasakyan ang biktima nang lapitan ng tatlong suspect.
Ayon sa mga saksi ay binati pa ang nasawi ng mga salarin kasunod ay ang walang sabi-sabing pagbaril sa biktima.
Isa sa teorya na tinitingnan ng pulisya ay ang posibleng may kinalaman sa trabaho nito bilang traffic investigator ng MAPSA ang motibo sa pagpaslang.
Isang follow-up operation ang isinasagawa ng pulisya para sa ikadarakip sa mga suspect. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest