B-day party niratrat: 1 todas, 2 kritikal
July 4, 2006 | 12:00am
Niratrat ng bala ng tatlong lalaki ang isang masayang birthday party na nagresulta sa pagkasawi ng isang bisita at pagkasugat ng dalawa pa sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Hindi na umabot ng buhay sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang nakilalang si Henry Pillago, 17, ng 2147 Katamanan Extension, Tondo.
Isinugod rin sa naturang pagamutan ang mga biktimang sina Jonathan Bassey, 18, at Rogelio Dayrit, 29, kapwa ng Tondo, Maynila.
Isang manhunt operation naman ang isinasagawa ng pulisya laban sa mga suspect na nakilalang sina Jayson at Joseph Tagle at isang alyas Zuma, pawang residente ng Brgy. 227 Pulo St., Tondo.
Sa ulat ng MPD-Homicide Section, nag-iinuman ang mga biktima dakong alas-11:30 ng gabi sa Batangas St., Bo. Roxas, Tondo dahil sa kaarawan ng isa nilang kaibigan.
Dito dumating ang tatlong suspect na armado ng mga baril at pinaulanan ng bala ang mga nag-iinumang biktima. Minalas na napuruhan ang biktimang si Pillago habang nahagip naman sina Bassey at Dayrit.
Malaki ang paniwala ng pulisya na may kinalaman sa giyera ng mga gangster ng mga kabataan ang motibo sa isinagawang pamamaril. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended