Ayon kay QCPD Dir. Chief Supt. Nicasio Radovan, puspusan ang ginagawa ng kanyang pamunuan ang lahat ng paraan upang masakote ang mga suspect sa lalong madaling panahon kundi man sa loob ng linggong ito.
"Earlier, I said we will be able to capture them in three days. It did not happen, but not because I erred in my estimate. Its just that we want to be really sure about this," pahayag pa ni Radovan.
Ayon pa kay Radovan, malilinawan umano ang tunay na motibo at ang ugat ng isyu ng pamamaslang kay Albano kapag naaresto na ang mga salarin nito.
Ipinakalat na rin anya ang grupo ng mga detectives sa buong Metro Manila at sa Isabela para sa malalimang pangangalap ng impormasyon at agarang pagsakote sa mga salarin ni Albano.
Hindi naman nagbigay pa ng ibang impormasyon si Radovan hinggil sa nasabing kaso upang hindi umano mabalam pa ang isinasagawang operasyon ng pulisya.
"We are continously conducting 24-hour operation and we are inching forward to the resolution of the case," pahayag pa ni Radovan. (Rose Tamayo-Tesoro)