^

Metro

Tubig sa España, Maynila, may ‘ebak’

-
Pinag-iingat ng Manila Sanitation Division ang mga residente sa ilang lugar sa España, Manila dahil sa kontaminado umano ng dumi ng tao ang kanilang tubig na iniinom dito.

Ayon kay Boyet San Gabriel, chief ng Sanitation Division, lumalabas sa kanilang isinagawang bacteriological analysis na positibo sa e-colai/ fecal organism bacteria ang mga tubig sa P. Noval at Eloisa Sts. sa España.

Nilinaw pa nito na nauna na silang nagsagawa ng rapid screening test ng tubig sa mga nasabing lugar kung saan positibo rin ito sa hydrogen sulfide na ang ibig sabihin ay kontaminado na rin ito subalit hindi pa matukoy kung ano ang bacteria na pumasok sa tubig kaya’t agad silang nagsagawa ng bacteriological analysis at lumalabas na mayroong dumi ng tao sa tubig dito.

Bukod dito, inalerto na rin ni San Gabriel ang Maynilad Water Services bunsod sa reklamo ng principal ng Juan Luna Elementary School sa G. Tolentino St. na mabaho na rin ang kanilang tubig na iniinom sa nasabing paaralan.

Lumalabas din sa pagsusuri na positibo rin ang tubig sa nasabing paaralan ng hydrogen sulfide.

Pag hindi umano naagapan ng Maynilad ang pagsasaayos ng koneksyon ng tubig sa nasabing mga lugar posibleng pumasok na rin ang dumi ng tao sa tubo na nagsu-supply sa Juan Luna Elementary School at maaaring magdulot ng matitinding sakit sa mga estudyante at mga guro.

Isa rin umanong dahilan kaya’t pinapasok ng dumi ng tao ang mga tubo ng tubig ay dahil sa ilegal na koneksyon at sobrang luma na ang linya sa nasabing mga lugar. (Gemma Amargo-Garcia)

BOYET SAN GABRIEL

ELOISA STS

ESPA

GEMMA AMARGO-GARCIA

JUAN LUNA ELEMENTARY SCHOOL

MANILA SANITATION DIVISION

MAYNILAD WATER SERVICES

RIN

TUBIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with