^

Metro

Family driver binoga habang nagte-text

-
Isang 58-anyos na family driver ang nasawi nang barilin ng dalawang lalaking lulan sa motorsiklo kamakalawa ng gabi sa Quezon City. Nakilala ang nasawi na si Serefino Secang Jr., driver ng negosyanteng si Frederick Sy, ng Cubao, Quezon City. Dakong alas-6 ng gabi ng maganap ang insidente sa kanto ng Main Avenue at Real Sts., Brgy. Bagong Lipunan, Cubao. Nabatid na nakaupo at nagte-text ang biktima sa nabanggit na lugar nang biglang sumulpot ang dalawang suspect na nakasakay sa motorsiklo. Isa sa mga ito ang bumaba at lumapit sa biktima at saka pinagbabaril ang huli. Hindi pa mabatid kung ano ang motibo sa pagpaslang habang pinaghahanap naman ang mga nagsitakas na suspect. (Angie dela Cruz)
21 tauhan ng MMDA, arestado sa pagbabaklas sa mga signboard
Arestado ang 21 tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) matapos na ilegal na baklasin ang mga signboards, kamakalawa ng gabi sa Mandaluyong City. Ang 21 inaresto ay pawang tauhan ng MMDA sidewalk clearing operation group (SCOG) at nahaharap sa maliscious mischief. Batay sa ulat dakong alas-11 ng gabi ng ireklamo ni Ed Felix, Operations Manager ng Trackworks Rail Transit Advertising Vending and Promotions Inc. ang ginawang pagbabaklas ng mga tauhan ng MMDA sa kanilang mga banners, signages at billboards sa MRT sa kahabaan ng EDSA, Brgy.Wack-Wack ng nabanggit na lungsod. Nang magresponde ang mga pulis kasama ang nagrereklamo ay kinumbinsi nila ang mga nadakip na itigil na ang pagbabaklas subalit hindi tumigil ang mga ito kaya napilitan ang mga pulis na sila ay arestuhin. Lumalabas na ilegal ang pagbabaklas ng mga signboard dahil nagbabayad naman ang naturang advertising company sa pamahalaang lokal ng Mandaluyong. (Edwin Balasa at Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BAGONG LIPUNAN

BRGY

CUBAO

ED FELIX

EDWIN BALASA

FREDERICK SY

LORDETH BONILLA

MAIN AVENUE

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with