^

Metro

QC ambush: Mayor patay

-
Dalawampu’t-isang tama ng bala ng matataas na kalibre ng baril ang tumapos sa buhay ni Ilagan, Isabela Mayor Delfinito Albano makaraang tambangan ng tatlong hindi pa nakikilalang kalalakihan, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Si Mayor Albano, 46, ay namatay noon din sa pinangyarihan ng krimen.

Wala itong kasamang bodyguard nang maganap ang pananambang.

Ito na ang pangalawang pagkakataon na inambus si Mayor Albano. Una noong Nobyembre 2004 sa Brgy. Bliss llagan, Isabela, subalit nakaligtas dito ang Mayor.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, sinabi ni SPO2 Dino Rebancos ng Quezon City Police Intelligence and Investigation Division na naganap ang insidente dakong alas-11 ng gabi sa harap ng Villa Estela Bar and Restaurant na nasa panulukan ng Scout Santiago at Dr. Lascano Sts. sa Brgy. Laging Handa, Quezon City.

Nabatid na lulan ang alkalde ng kanyang gray na Isuzu trooper na may plakang XJA-359 nang harangin at agad na pagbabarilin ng tatlong mga suspect na pawang naka-bonnet at armado ng automatic weapon sa tapat ng Villa Estela Bar and Restaurant.

Lulan ang mga salarin sa isang puting Toyota Revo na may plakang XJM-532.

Nagawa pang makababa sa sasakyan ng Alkalde at tumakbo papasok sa bar subalit sinundan pa rin siya ng mga suspect at doon pinaulanan ng sunud-sunod na bala ng baril.

"Grabe, sunud-sunod na putok ang pinakawalan ng mga suspect, talagang hindi siya bubuhayin siniguro talagang patay," pahayag pa ng isang witness.

Nakasuot lamang ng short, t-shirt at tsinelas ang alkalde nang maganap ang pananambang.

Nabatid pa na noong nakalipas na Huwebes lamang lumuwas ng Maynila ang alkalde para dalawin ang kanyang anak na nag-aaral sa Ateneo de Manila.

Ayon sa mga security nito, mahilig umanong lumabas si Mayor Albano nang walang kasamang bodyguard. Noong gabing iyon, hindi nila alam na lumabas ito ng bahay, katunayan ay nakapambahay lamang ito nang maganap ang pananambang.

Si Mayor Albano na half-brother ni Rodolfo Albano, head ng Energy Regulatory Commission ay nagsabing mahirap sabihing pulitika ang motibo sa pagpaslang dahil wala umano itong close rival sa isinagawang mga eleksyon sa kanilang bayan sa Ilagan, Isabela.

Samantala, mariin namang kinondena ng mga taga-Ilagan, Isabela ang naganap na pamamaslang kay Mayor Albano.

Ang bayan ng Ilagan ay may kabuuang 91 barangay at isa ito sa pinakamalaking bayan dito sa lalawigan ng Isabela at siya rin ang pinakasentro at Kapital ng nasabing lalawigan.

Sa kasalukuyan ay nagluluksa at naghihintay na ang mga mamamayan ng Isabela sa pagdating ng mga labi ni Mayor Jojo Albano at ang lahat ng bandila ay naka-half mast sa mga paaralan at sa mga opisina at maging ang kalapit bayan ay nagluluksa na rin sa nangyaring pagpaslang sa nasabing Mayor. ((Angie Dela Cruz at may dagdag na ulat ni Victor Martin)

ALBANO

ANGIE DELA CRUZ

ILAGAN

ISABELA

MAYOR

MAYOR ALBANO

QUEZON CITY

SI MAYOR ALBANO

VILLA ESTELA BAR AND RESTAURANT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with