Kasera bugbog-sarado sa boarder na karatista
June 28, 2006 | 12:00am
Bugbog-sarado ang isang 24-anyos na service-crew matapos na mapikon dito ang kanyang martial arts na boarder sa ginawang paninita, sa lungsod ng Mandaluyong. Pisak ang mata at halos magkulay-talong ang mukha ng biktimang si Jaime Esteban, binata at residente ng Blk. 27 Welfareville Compound, Brgy. Addition Hills ng nasabing lungsod. Nakilala naman ang suspect na si Steven Ramos, lisensiyadong professional mix martial arts player at residente ng Fairview, Quezon City. Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-12 ng tanghali sa labas ng bahay ng biktima. Nabatid na kinausap ng biktima at ng pinsan nitong kinilalang si Angie ang suspect dahil sa iniwan nito ang pintuan ng kanilang bahay na nakabukas. Dahil dito ay nawala ang ilang mahahalagang gamit ng biktima. Agad na napikon ang suspect at kaagad na sinuntok ang pinsan ng biktima na suwerte namang nakailag. Mabilis na binalingan ng suspect si Jaime at pinagsusuntok hanggang sa mawalan ito ng malay. Napag-alaman na pinatuloy lamang ng biktima ang suspect sa kanilang bahay sa dahilang wala itong matutuluyan. Isinugod sa pagamutan ang biktima habang tumakas naman ang suspect na ngayon ay pinaghahanap ng pulisya para papanagutin sa naturang pangyayari. (Edwin Balasa)
Nadakip ng mga tauhan ng Las Piñas City Police ang isa sa sampung most wanted carnapper sa bansa. Nakilala ang nadakip na si Charlie Mechure II, 28, ng Pilar Village, Las Piñas City. Si Mechure ay nadakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Zenaida Pegionon ng Branch 19, ng Manila Regional Trial Court. Base sa rekord ng pulisya kilalang big time carnapper ang suspect na sangkot sa serye ng mga carnapping sa Metro Manila partikular na sa area ng Las Piñas. (Lordeth Bonilla)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended