^

Metro

Lider ng KFR group arestado ng NBI

-
Muling nakapuntos laban sa kidnapping ang National Bureau of Investigation (NBI) matapos na madakip ang lider ng isang paksyon ng Waray-Waray Kidnap for Ransom Group, kamakalawa sa San Mateo, Rizal.

Iprinisinta ni NBI Acting Director Nestor Mantaring ang nadakip na si Noel Enacmal, lider ng Lagado-Enacmal Waray-Waray Group na sangkot sa pagkidnap sa mayayamang Tsinoy sa Metro Manila.

Una nang naaresto nitong nakaraang Hunyo 1 at Hunyo 19 ang mga galamay nito na sina Fromencio Enacmal, Andres Lucero at Gualberto Castillaja.

Natunton naman ang pinagtataguan ni Enacmal matapos na ituro ni Lucero nang isailalim ito sa interogasyon.

Ang lider na si Enacmal ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest sa mga kasong robbery, murder at frustrated murder. Natunton ito sa kanyang pinaglulunggaan sa Brgy. Mali San Mateo, Rizal.

Itinuturo ang grupo nito na siyang responsable sa Betty Chua-Sy kidnap-slay, pagdukot kay Danny Uy sa Malate, Manila; William Uy sa Malabon; Gelina Dy sa Paco; isang Mr. Ty sa Binondo at isang Koreano sa Quezon City.

Ang grupo rin nito ang sangkot sa panghoholdap sa dalawang sangay ng Union Bank sa Laguna at iba pang mga bangko at mga sanglaan. (Danilo Garcia)

ACTING DIRECTOR NESTOR MANTARING

ANDRES LUCERO

BETTY CHUA-SY

DANILO GARCIA

DANNY UY

ENACMAL

FROMENCIO ENACMAL

GELINA DY

GUALBERTO CASTILLAJA

HUNYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with