^

Metro

Bading inatado ng lover

-
Nagkagutay-gutay ang katawan ng isang 41-anyos na bading makaraang ataduhin ito ng saksak ng kanyang ‘lover’ matapos ang isang mainitang pagtatalo nang maaktuhan ng una ang huli na may kaniig na babae, kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Hindi na umabot ng buhay sa Jose Reyes Memorial Medical Hospital sanhi ng tinamong mga saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si Juanito Dalag, manager ng isang KTV bar and restaurant na matatagpuan sa M.H. del Pilar, Brgy. Santolan ng nabanggit na lungsod.

Isang manhunt operation naman ang inilunsad ng pulisya laban sa umano’y kinakasama ng biktima na si Reygan Mesa na may alyas na Boy at Ronald.

Batay sa ulat ng Malabon City police, dakong alas-11:15 ng gabi kamakalawa nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima sa M.H. del Pilar St., Malabon City.

Nabatid na bago ang pamamaslang ng suspect sa biktima, palihim na umuwi ang huli sa kanyang bahay at dito nakita niya sa akto ang una na may kasamang babae sa loob ng kanilang kuwarto.

Bunsod nito, agad na kinompronta ng biktima ang suspect hinggil sa nasaksihan hanggang sa magkaroon ng mainitang pagtatalo.

Habang nasa mainitang komprontasyon, hindi alam ng biktima na dinampot ng salarin ang isang balisong sa ibabaw ng lamesa at dito agad na inundayan ng sunud-sunod na saksak si Dalag.

Halos magkagutay-gutay ang katawan ng biktima sa dami ng tinamong saksak.

Mabilis namang tumakas ang suspect kasama ang babaeng kanilang pinag-awayan matapos ang isinagawang krimen. Samantala, isinugod naman ng kanyang mga kapitbahay sa pagamutan ang biktima subalit hindi na umabot nang buhay. (Rose Tamayo-Tesoro)

BATAY

BIKTIMA

BRGY

BUNSOD

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL HOSPITAL

JUANITO DALAG

MALABON CITY

PILAR ST.

REYGAN MESA

ROSE TAMAYO-TESORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with