4 kabataan niratrat ng 7 pulis
June 25, 2006 | 12:00am
Kapwa namatay noon din sa pinangyarihan ng insidente ang dalawang kabataan na kinabibilangan ng isang 15-anyos, habang kritikal naman sa pagamutan ang dalawa pa makaraang rapiduhin ang mga ito ng umanoy pitong pulis na pawang nakatalaga sa Sub-Station-7 ng Manila Police District, kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.
Kinilala ni Northern Police District (NPD) director P/CSupt. Leopoldo Bataoil ang mga nasawi na sina Frenze Bryan Pichay, 15-anyos at Carlo Tajuma, 21 na pawang residente ng 2nd Avenue, nabanggit na lungsod.
Lumalabas sa isinagawang imbestigasyon ng Scene of the Crime Operation (SOCO), kapwa nagtamo ng maraming tama ng bala sa kanilang dibdib at likurang bahagi ng katawan ang mga nasawi.
Nakarekober naman ang operatiba ng mga empty shells ng M16 rifle at 9mm pistol sa crime scene.
Samantala, kasalukuyan namang inoobserbahan sa intensive care unit (ICU) ng National Orthopedic Hospital sa Quezon City ang dalawa pang biktima na sina Rey Floyd Turla, 15; at Nathaniel Dionisio 14-anyos na kapwa residente naman ng Katipunan St., Brgy. 38, Caloocan City na nagtamo ng tama sa ibat ibang parte ng kanilang katawan.
Batay sa ulat ng pulisya, dakong ala-1 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa panulukan ng F. Roxas St. at Katipunan Avenue, Brgy. 42, Caloocan City.
Nabatid na naglalakad patungo sana sa isang fast food chain ang mga biktima sa nabanggit na lugar nang biglang dumating ang pitong mga armadong suspect na pawang nakasuot ng itim na jacket na may tatak na pulis sa likuran na pawang sakay ng isang passenger type jeep na may plakang DWP-683.
Agad na pinagbabaril ng mga suspect ang mga biktima at nang duguang humandusay ang mga huli sa kalsada ay agad na nagsitakas ang mga una sakay ng kanilang jeep.
Kasalukuyan namang nakikipag-ugnayan ang pamunuan ng NPD sa pamunuan ng MPD upang magbigay ng paliwanag ukol dito.
Nabatid na una umanong nakatanggap ng tawag ang mga suspect na may nangyayaring "gang war" sa nabanggit na lugar, subalit nang dumating ang mga ito sa nabanggit na lugar ay ang mga biktima ang nirapido ng mga ito.
Ilang concerned citizens naman ang nagsugod sa dalawang biktima sa nabanggit na pagamutan nang makita ng mga ito na humihinga pa ang mga huli.
Ilan sa mga nakasaksi naman sa nasabing insidente ang nakakakilala sa mga suspect na umanoy pawang mga miyembro ang mga ito ng MPD.
Bukod pa rito, kasalukuyang pinaghahanap rin ng pulisya ang isang grupo ng kabataan na mga miyembro naman ng True Brown Style (TBS) fraternity na kilalang mortal na kalaban ng grupo ng mga biktima na isa namang gang na may pangalang SWAK-MATI gangster upang imbestigahan at makapagbigay-linaw kung may kaugnayan din ang mga ito sa nasabing krimen, habang hinihintay ng NPD ang panig ng MPD. (Rose Tamayo-Tesoro)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended