^

Metro

Lolong maraming sakit, nagbaril sa sarili

-
Dahil sa maraming sakit na nararamdaman na nauwi na sa komplikasyon, isang 83-anyos na lolo ang nagpatiwakal sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili kahapon ng umaga sa Makati City. Hindi na umabot nang buhay makaraang isugod sa Ospital ng Makati ang biktimang si Antonio Ramos, biyudo, sanhi ng tinamong tama ng bala sa dibdib.

Sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas- 7 ng umaga nang matagpuan ang biktima na duguan sa loob ng kanyang kuwarto sa 8577 San Jose St., Brgy. Guadalupe ng nabanggit na lungsod ng kanyang houseboy na si Jomar Domingo, 21. Mabilis niya itong isinugod sa pagamutan subalit binawian na ito nang buhay.

Sinasabing hindi na umano makayanan ng matanda ang mga sakit na nararamdaman sa katawan, hindi pa malinaw kung kanino ang baril na ginamit nito sa pagpapakamatay. Sa kabila nito, isang masusing imbestigasyon pa rin ang isinasagawa ng pulisya ukol dito. (Lordeth Bonilla)
P20-M ukay-ukay, tela at frozen meat nasamsam
Tinatayang P20 milyon mga smuggled na ukay-ukay, mga tela at frozen meat ang nakumpiska kahapon ng mga operatiba ng Bureau of Customs (BoC) sa Manila International Container Port (MICP). Ayon kay Customs Commissioner Napoleon Morales nakalagay sa dalawang 40 footer van ang mga ukay-ukay mula sa Hong Kong.

Subalit idineklara lamang ito ng Hong Kong General Merchandise na siyang consignee ng kargamento na mga household tools. Bukod sa nasabing ukay-ukay, laman ng isa pang van ang mga frozen pork na nagkakahalaga ng P6 milyon at mga tela na nagkakahalaga ng P4 milyon.

Nakapangalan naman ang mga tela at frozen meat mula sa Phil. Bonded Warehouse Services. Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang mga consignee ng nasabing kargamento. (Gemma Amargo-Garcia)
Caregiver natagpuang patay
Pinapapak na ng mga langaw at langgam ang bangkay ng isang 34-anyos na caregiver na natagpuan kahapon sa tinutuluyan nitong condominium sa Pasay City.

Nakabitin at hinihinalang nagpakamatay ang biktimang si Mary Grace Maya nang matagpuan ito ng utility maintenance na si Charlie Regondola, dakong alas-11 ng tanghali mismo sa tinitirhan nitong Unit 209 Pearl Mega Park, Protacio St., Pasay City.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Pasay City Police, may hinala sila na walo hanggang sampung araw nang patay ang biktima. Mabahong amoy nito ang naging daan upang matunton ang bangkay ng biktima.

May teorya ang pulisya na posibleng nagpatiwakal si Maya, gayunman patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon para alamin kung may naganap na foul play sa insidente. (Lordeth Bonilla)

ANTONIO RAMOS

BONDED WAREHOUSE SERVICES

BUREAU OF CUSTOMS

CHARLIE REGONDOLA

CUSTOMS COMMISSIONER NAPOLEON MORALES

LORDETH BONILLA

PASAY CITY

UKAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with