^

Metro

Alalay ni Nida Blanca, diin pa rin sa kaso

-
Hindi pinayagan ng Department of Justice (DoJ) na maabsuwelto ang isa sa mga akusado sa Nida Blanca murder case makaraang ibasura nito ang motion ng una dahil sa kawalan ng merito.

Binigyang-diin ng DoJ na mayroong kinalaman sa pagpatay kay Nida Blanca ang kaibigan nitong si Elena dela Paz, na una ng kinasuhan ng National Bureau of Investigation (NBI) at PNP-CIDG bilang accomplice.

Iginiit pa ng DoJ na walang mabigat na ebidensiya na naiprisinta si dela Paz upang baguhin ang naunang rekomendasyon ng prosecution laban dito.

Sa inihaing motion ni dela Paz, sinabi nito na wala siyang dahilan o motibo upang planuhing patayin ang kaibigang si Blanca at maituturing umanong mga espekulasyon lamang ang pinagbatayan para siya isama sa naturang kaso.

Si dela Paz ay nagsilbi kay Blanca sa loob ng 40-taon kung saan ito rin ang naging personal na alalay ng naturang aktres. Bukod kay dela Paz, kasamang akusado sina Rod Strunk, asawa ng aktres; Philip Medel Jr. na kasalukuyang nakapiit sa Rizal Provincial Jail at ret. Gen. Galileo Kintanar. (Grace Amargo dela Cruz)

BINIGYANG

DEPARTMENT OF JUSTICE

GALILEO KINTANAR

GRACE AMARGO

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NIDA BLANCA

PAZ

PHILIP MEDEL JR.

RIZAL PROVINCIAL JAIL

ROD STRUNK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with