^

Metro

Biyahe ng LRT 2, tatlong oras nabalam

-
Mahigit sa tatlong oras na nabalam ang biyahe ng dalawang istasyon ng Light Rail Transit 2 (LRT 2) matapos na suspendihin ang biyahe nito dahil sa mahinang pasok ng kuryente kahapon ng umaga.

Ayon kay Jinky Jorgio, LRT Public Relations Consultant, ipinasya ng pamunuan ng LRT-2 na itigil pansamantala ang biyahe ng istasyon ng Santolan sa Pasig at Katipunan sa Quezon City dakong alas-6:12 ng umaga matapos na hindi naging sapat ang boltaheng pumapasok dito dahil sa nagkaroon ng short circuit ang mga linya nito matapos na sabitan ng catinary line ng isang foreign object o metal.

Dahil dito nangako naman ang pamunuan ng LRT 2 na agad nilang aaksiyunan ang nasabing problema para hindi na lumala ang pinsala.

Mahigit sa tatlong oras ang ginawang pagkukumpuni kung kaya maraming pasahero na karamihan ay estudyante ang nahuli sa kanilang pagpasok.

Muling ibinalik ang operasyon ng nasabing tren sa dalawang istasyon dakong alas-9:45 ng umaga. Ang LRT 2 ay bumibiyahe mula Santolan, Pasig hanggang sa Claro M. Recto sa Maynila at mahigit sa 200,000 ang sumasakay dito kada araw. (Edwin Balasa at Angie dela Cruz)

ANGIE

CLARO M

EDWIN BALASA

JINKY JORGIO

LIGHT RAIL TRANSIT

MAHIGIT

PASIG

PUBLIC RELATIONS CONSULTANT

QUEZON CITY

SANTOLAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with