Seaman utas sa kaibigan
June 21, 2006 | 12:00am
Patay ang isang seaman nang tadtarin ng saksak sa buong katawan ng itinuturing niyang matalik na kaibigan matapos na magtalo sa loob ng tinutuluyan nilang boarding house,kahapon ng umaga sa Ermita, Maynila. Nakilala ang biktima na si Norly Santiago, 26, at pansamantalang nanunuluyan sa isang boarding house sa J. Nakpil St. sa Taft Avenue, Manila. Pinaghahanap naman ang tumakas na suspect na nakilala lamang sa pangalang Randy, isang security guard. Ayon sa ulat, naganap ang krimen dakong alas-10 ng umaga sa ikalawang palapag ng boarding house. Ayon sa mga saksi matalik umanong magkaibigan ang dalawa na sabay na nangupahan sa boarding house at nagulat na lamang sila ng biglang magtalo ang mga ito at magkamurahan hanggang na makakuha ng patalim si Randy at walang habas na pinagsasaksak ang biktimang si Santiago. (Danilo Garcia)
Tinapos na ng isang ginang ang kalbaryo sa kamay ng malupit na mister na sa loob ng anim na taon ay nananakit sa kanya matapos na tuluyan niya itong ireklamo at ipakalaboso kahapon. Pasa-pasa ang mukha ng magtungo sa himpilan ng pulisya ang 28-anyos na ginang at isinumbong ang pagmamalupit ng kanyang mister na si Anthony Fernandez, walang trabaho ng 30 Zamora St., Brgy. Jesus dela Peña, Marikina City. Ang pinakahuling pambubugbog sa misis ay naganap dakong alas-7 ng gabi. Dinatnan ng ginang na noon ay galing pa sa trabaho ang kanyang mister na nakikipag-inuman sa mga barkada. Agad na napagtripan ng mister ang kararating pa lamang na misis na nilapitan at ipinakita pa sa kanyang barkada ang ginawa niyang pambubugbog dito. Nakatakas ang biktima at agad na nagsumbong sa barangay at ipinahuli ang asawa. "Hindi ko na matiis ang ginagawa niya sa akin, ako na ang nagpapakain sa kanya halos araw-araw ay sinasaktan pa niya ako," pahayag pa ng ginang. (Edwin Balasa)
Dahil din sa selos kung kaya nagawang katayin ng isang obrero ang kanyang 19-anyos na live-in partner, kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City. Nakilala ang nasawi na si Christianie Moscag, service crew, habang sumuko naman ang suspect na si Alvin Ramos, 20. Nabatid na dakong alas-3 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa loob ng kanilang bahay sa Reparo St., Baesa ng nabanggit na lungsod. Unang nagkaroon ng pagtatalo ang mag-live-in dahil sa pag-uwi ng madaling-araw ng biktima gayung hanggang alas-10 lamang ng gabi ang trabaho nito. Nagseselos umano ang suspect sa akalang may kinahuhumalingan ang biktima. Nasa kainitan ng pagtatalo ng biglang dumampot ng patalim ang suspect at saka sunud-sunod na pinagsasaksak ang biktima. (Rose Tamayo-Tesoro)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended