Nabatid na ang mga biktima ay kasalukuyang naka-confine sa ibat ibang pagamutan sa Batangas matapos silang mag-uwian nang makaramdam ng pananakit ng tiyan at ulo, pagsusuka at pagtatae matapos na kumain sa Active Dormitory na matatagpuan sa P. Noval St., España, Manila.
Ayon kay Omar Oda, 19, estudyante ng Lyceum Lipa at isa sa pansamantalang naninirahan sa nasabing dormitoryo, dahil sa sumasailalim umano sila sa On-the-Job Training (OJT) bilang nurse sa ibat ibang ospital sa lungsod.
Sinabi naman ni Millet Heramis, kabilang sa mga nagpapatakbo ng nasabing dormitoryo na malinis ang kanilang inihahandang pagkain kung kayat imposibleng sa pagkain nalason ang mga estudyante.
Posible umanong sa marumi at mabahong amoy ng tubig na lumalabas sa kanilang gripo ang dahilan subalit nilinaw naman nito na hindi nila ginagamit ang tubig sa pagluluto kundi mineral water.
Ayon naman kay Boyet San Gabriel, hepe ng Sanitation Division ng Manila Health Dept., kaagad silang nagsagawa ng water sampling upang madetermina kung ang kontaminadong tubig ang dahilan ng pagkakalason ng mga estudyante. (Gemma Amargo-Garcia)