^

Metro

15 student biktima ng food poisoning

-
Mahigit sa 15 nursing students mula sa mga unibersidad sa Batangas ang umano’y nalason sa inihandang pagkain sa kanilang tinitirahang dormitory sa Sampaloc, Manila.

Nabatid na ang mga biktima ay kasalukuyang naka-confine sa iba’t ibang pagamutan sa Batangas matapos silang mag-uwian nang makaramdam ng pananakit ng tiyan at ulo, pagsusuka at pagtatae matapos na kumain sa Active Dormitory na matatagpuan sa P. Noval St., España, Manila.

Ayon kay Omar Oda, 19, estudyante ng Lyceum Lipa at isa sa pansamantalang naninirahan sa nasabing dormitoryo, dahil sa sumasailalim umano sila sa On-the-Job Training (OJT) bilang nurse sa iba’t ibang ospital sa lungsod.

Sinabi naman ni Millet Heramis, kabilang sa mga nagpapatakbo ng nasabing dormitoryo na malinis ang kanilang inihahandang pagkain kung kaya’t imposibleng sa pagkain nalason ang mga estudyante.

Posible umanong sa marumi at mabahong amoy ng tubig na lumalabas sa kanilang gripo ang dahilan subalit nilinaw naman nito na hindi nila ginagamit ang tubig sa pagluluto kundi mineral water.

Ayon naman kay Boyet San Gabriel, hepe ng Sanitation Division ng Manila Health Dept., kaagad silang nagsagawa ng water sampling upang madetermina kung ang kontaminadong tubig ang dahilan ng pagkakalason ng mga estudyante. (Gemma Amargo-Garcia)

ACTIVE DORMITORY

AYON

BATANGAS

BOYET SAN GABRIEL

GEMMA AMARGO-GARCIA

LYCEUM LIPA

MANILA HEALTH DEPT

MILLET HERAMIS

NOVAL ST.

OMAR ODA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with