Ang suspect na si Grace Aboyador, 34, tubong-Tagbilaran City, Bohol ay nahaharap sa kasong murder dahil sa pagpatay sa kapwa OFW na si Rosita Saren, 26.
Wala namang inirekomendang piyansa ang piskalya para sa pansamantalang kalayaan ng akusado na nakadetine ngayon sa detention cell ng Quezon City Police District-Criminal Investigation Unit (QCPD-CIU).
Kaugnay nito, humingi si Aboyador ng kapatawaran sa mga naulila ng biktima dahil alam niyang ito lamang ang bumubuhay sa pamilya nito.
Nagpakita rin ng malaking pagsisisi ang suspect sa kanyang ginawang krimen at sinabi na kung maibabalik lamang niya ang mga araw ay hindi niya papatayin ang kanyang kaibigan.
Sa kanyang pahayag, sinabi ng suspect na aksidente umano ang ginawa niyang pagkakapatay sa biktima dahil nauna umano itong nagtangka sa kanyang buhay at depensa lamang ang naging sanhi upang mapaslang niya ang kaibigan.
Sinabi ni Aboyador na nagtalo sila ni Jingjing hinggil sa ginawang "paninira" ni Saren sa kanyang asawa na naging dahilan upang hiwalayan siya ng asawang Lebanese.
Ayon pa rito, nagawa niyang paghati-hatiin ang katawan ni Jingjing upang pagkasyahin sa dalawang travelling bag na pinaglagyan para itapon ang bangkay. (Angie dela Cruz)